Kapalpakan nanaman. Di ako nagising para sa NSTP namin ngayong umaga. O_o Mukhang matatagalan ako matapos itong 54 hours na ito ah. May 50 hours pa ata ako… Bawal pa matulog sa museo ng dalawang araw at dalawang oras para tapos na? Wala akong angal sa serbisiyo sa kapwa at bayan, pero masgusto ko sana sa Museong Pambata. XD
Nandito tuloy ako sa bahay, sountrip uli. Tapos gumagawa ng DVD ng Chobits. Puro dub kasi yung lumang VCD ko ng Chobits. Ew.
Pero okay din naman, nakapag download na rin ako ng mga kanta na gusto ko. ^_^ Sa wakas nahanap ko na yung unang album ng Coldplay. Nahanap ko na rin yung discography ni Don Moen tsaka Hillsong United. Muntik ko na matype Hellsing Ultimate dun ah.
Natapos ko na rin ang Code Geass: Lelouch of the Rebellion R2 episode 13 nung Lunes. Si Jeremiah Gottwaltd the best talaga! ORANGE WHOOT! ^_^ Wahaha, walang kwenta talaga si Suzaku. Di lamang hinabol si Shirley. Ayun tuloy, si Lelouch ANGST mode na. WAHAHAHA! Ang saya ko na wala na Shirley. Istorbo lang siya.
…
Adik mode din ako ngayon sa Nightmare Before Christmas. Pa ulit-ulit na yung OST sa playlist ko. Magsuot kaya ako ng Halloween costume papasok sa iskwelahan. LOL. XD